Pinoy boxer na si Carlo Paalam tinalo ang world champion
(AFP pool)
Hindi pa nagpaalam ang Pinoy boxer na si Carlo Paalam sa Tokyo Olympics.
Ito ay matapos talunin ni Paalam si Olympic world champion Shakhobidin Zoirov ng Uzbekistan sa men’s flyweight division sa Kokugikan Arena sa Japan.
Dahil dito, pasok na si Paalam sa semifinals at sigurado na ang bronze medal.
Ito ang kanuna unahan na nakakuha ng apat na medalya ang Pilipinas mula nang sumali sa Olympics noong 1924.
Pinatunayan ni Paalam na walang panama sa kanyang mga suntok si Zoirov na gold medalist sa flyweight division sa 2016 Rio Olympics at 2019 AIBA World Championships.
Nanalo si Paalam sa pamamagitan ng split decision.
Sunod na makakalaban ni Paalam si Ryomei Tanaka ng Japan.
Kahanay na ngayon ni Paalam ang iba pang medalists ng Pilipinas gaya nina weightlifting gold medalist Hidilyn Diaz at mga boksingerong sina Eumir Marcial at Nesthy Petecio.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.