Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na may sapat na suplay ng mga pangunahing pangangailangan kasabay nang pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Kayat, ayon kay Sec. Ramon Lopez, hindi kailangan mag-panic buying ang publiko kasabay nang pagtitiyak niya na magtutuloy-tuloy ang suplay ng mga bilihin, partikular na ang pagkain.
Aniya siniguro na nila sa mga negosyante na papayagan ang patuloy na operasyon ng sektor ng produksyon, mula sa agrikultura hanggang sa serbisyo, para na rin maisalba ang mga trabaho.
Dagdag pa niya, ito ay para na rin matiyak na hindi mauubos sa mga pamilihan ang mga pangunahing pangangailangan.
At kahit ECQ papayagan pa aniya mga tao na bumili at hindi rin sasakupin ng curfew ang delivery ng mga pangunahing pangangailangan.
Kontra ang kagawaran sa muling pagpapairal ng ECQ ngunit ayon kay Lopez naiintindihan nila na mas mahalaga ang kaligtasan at kalusugan.