DTI nagbilin sa publiko na iwasan ang panic-buying

By Jan Escosio August 03, 2021 - 11:49 AM

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na may sapat na suplay ng mga pangunahing pangangailangan kasabay nang pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Kayat, ayon kay Sec. Ramon Lopez, hindi kailangan mag-panic buying ang publiko kasabay nang pagtitiyak niya na magtutuloy-tuloy ang suplay ng mga bilihin, partikular na ang pagkain.

Aniya siniguro na nila sa mga negosyante  na papayagan ang patuloy na operasyon ng sektor ng produksyon, mula sa agrikultura hanggang sa serbisyo, para na rin maisalba ang mga trabaho.

Dagdag pa niya, ito ay para na rin matiyak na hindi mauubos sa mga pamilihan ang mga pangunahing pangangailangan.

At kahit ECQ papayagan pa aniya mga tao na bumili  at hindi rin sasakupin ng curfew ang delivery ng mga pangunahing pangangailangan.

Kontra ang kagawaran sa muling pagpapairal ng ECQ ngunit ayon kay Lopez naiintindihan nila na mas mahalaga ang kaligtasan at kalusugan.

TAGS: ECQ, panic buying, Trade Secretary Ramon Lopez, ECQ, panic buying, Trade Secretary Ramon Lopez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.