ECQ, dapat paghandaan ng national at local governments

By Erwin Aguilon August 03, 2021 - 09:58 AM

INQUIRER File

 

Kailangang magamit ng husto ng pamahalaan ang dalawang linggong enhanced community quarantine sa Metro Manila para maihanda ang health care systems sakaling tumaas ang kaso ng Delta variant ng COVID-19. Sinabi ito ni Deputy Speaker Loren Legarda kasunod ng pahayag ng Department of Health na posible pa ring tumaas ang COVID-19 cases kahit mag-lockdown dahil pababagalin lamang ng ECQ ang pagkalat ng impeksyon. Ayon sa kongresista, mainam na mabigyan din ng panahon ang Local Government Units na paigtingin pa ang kanilang prevent-detect-treat-integrate strategies. Hinimok rin ni Legarda ang LGUs na makipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno, gaya ng Department of Social Welfare and Development  (DSWD) hinggil sa emergency food and cash assistance na maaaring ibigay sa mga apektado ng ECQ,  tulad ng vulnerable sectors at mga manggagawa na  no work no pay basis. Umaasa rin ang mambabatas na mapabilis ang pag-apruba ng Bayanihan to Arise as One Act o ang Bayanihan 3, na itinuturing na lifeline measures para sa mga apektado ng pandemya kabilang ang milyun-milyong displaced workers, OFWs, agri-fishery sector, mga kooperatiba at iba pa.

TAGS: Congresswoman Loren Legarda, COVID-19, health care system, Congresswoman Loren Legarda, COVID-19, health care system

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.