Panukala upang doblehin ang social pension ng mga senior citizens aprubado na ng Kamara

By Erwin Aguilon August 03, 2021 - 09:42 AM
Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na magtataas sa “social pension” ng mga senior citizens lalo na ang mga mahihirap sa bansa. Sa botong 225-Yes, at 0-No, pinagtibay ng Mababang Kapulungan ang House Bill 9459 na layong amyendahan ang Republic Act 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010. Sa ilalim ng panukala, dodoblehin ang kasalukuyang P500 na buwanang nakukuha ng mga senior citizens. Oras na maging ganap na batas ang panukala, ang mga benepisyaryong nakatatanda ay pagkakalooban ng P1,000 na buwanang pinansyal na ayuda upang maipambili ng kanilang pangangailangan gaya ng mga pagkain o gamot at iba pang medical needs. Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang bibigyang-mandato na ihanda ang listahan ng mga senior citizen na pasok sa buwanang social pension, batay sa central database at listahan ng mga benepisyaryo mula sa lahat ng pension providers. Ang implementasyon, distribusyon at management ng social pension ay isinusulong na pangasiwaan ng National Commission on Senior Citizens. Nauna nang sinabi ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo Ordanes, napapanahon ang naturang panukala lalo’t maraming nakatatanda ang apektado ng COVID-19 pandemic at nangangailangan ng dagdag na tulong.

TAGS: pensyon, senior citizen, pensyon, senior citizen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.