DOH ipinagbawal ang walk-in sa vaccination centers

Manila PIO Photo

Hindi pinaboran ng Department of Health (DOH) ang walk-ins sa vaccination centers kapag umiral na ang enhanced community quarantine (ECQ).

Sinabi ni Health Undersecretary  Ma.Rosario Vergeire ang tanging babakunahan lamang ay ang dumaan sa pre-registration.

Katuwiran niya sa pagbabawal sa walk-ins ay para maiwasan ang pagtitipon ng mga nais mabakunahan.

Dagdag pa niya kailangan ang vaccination centers ay maluwag, may sapat na bentilasyon at maipapatupad ang health protocols.

Hinihimok din nila ang mga lokal na pamahalaan na mag-alok ng libreng transportasyon sa mga babakunahan.

Kasabay nito, hinihikayat din nila ang local government units (LGUs) na bakunahan maging ang hindi nila mamamayan basta kailangan na nilang bakunahan.

Idinagdag pa ni Vergeire na pinagbabalak na palawakin ang vaccination program sa Metro Manila para mas marami ang maturukan ng proteksyon sa COVID-19.

Read more...