DOH ipinagbawal ang walk-in sa vaccination centers
Hindi pinaboran ng Department of Health (DOH) ang walk-ins sa vaccination centers kapag umiral na ang enhanced community quarantine (ECQ).
Sinabi ni Health Undersecretary Ma.Rosario Vergeire ang tanging babakunahan lamang ay ang dumaan sa pre-registration.
Katuwiran niya sa pagbabawal sa walk-ins ay para maiwasan ang pagtitipon ng mga nais mabakunahan.
Dagdag pa niya kailangan ang vaccination centers ay maluwag, may sapat na bentilasyon at maipapatupad ang health protocols.
Hinihimok din nila ang mga lokal na pamahalaan na mag-alok ng libreng transportasyon sa mga babakunahan.
Kasabay nito, hinihikayat din nila ang local government units (LGUs) na bakunahan maging ang hindi nila mamamayan basta kailangan na nilang bakunahan.
Idinagdag pa ni Vergeire na pinagbabalak na palawakin ang vaccination program sa Metro Manila para mas marami ang maturukan ng proteksyon sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.