Sesyon ng Kamara sa panahon ng ECQ sa NCR sinuspinde
By Erwin Aguilon August 03, 2021 - 08:33 AM
Suspendido ang sesyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region.
Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, walang sesyon ang Kamara mula August 6 hanggang 20, batay sa direktiba ni House Speaker Lord Allan Velasco.
Paliwanag ni Mendoza, ito ay bilang pag-iingat sa banta ng Delta variant ng COVID-19.
Ikinunsidera anya nila ang kapakanan at kaligtasan ng mga kongresista at kanilang mga kawani.
Ngayong araw, Aug. 3 hanggang bukas, Aug. 4 ay may sesyon pa rin ang mga kongresista pero mula 2:00pm hanggang 5:00pm, habang ang office hours sa Batasan Pambansa ay mula 8:00am hanggang 5:00pm.
Bagama’t walang sesyon, maari pa rin namang magsagawa ng committee hearings ang mga mambabatas sa pamamagitan ng video conferencing.
Lahat naman ng congressional offices ay isasara sa naturang panahon, habang kailangang sumailalim sa antigen test ang mga papasok na kawani ng Secretariat office na may “extremely essential tasks” o trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.