DOLE inihahanda na ang ayuda sa mga mawawalan ng kita sa ECQ
Tinatayang aabot sa 127,000 ang maaring mawalan ng kanilang pinagkakakitaan kapag nagsara muli ang ilang negosyo dahil sa dalawang linggo na pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Bunga nito, naghahanap na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mapapaghugutan ng pondo para sa binabalak na pagbibibigay ayuda sa mga maaapektuhang trabahador.
Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Benavidez aalamin muna nila kung sila ay may sapat pang pondo para sa pagbibigay ng ayuda at aniya kung wala naman ay hihingi na sila ng tulong sa Department of Budget and Management.
Sinabi nito na simula nang tumindi ang pandemya ay nagbibigay tulong na ang kagarawan sa mga apektadong manggagawa sa pamamagitan ng ibat-ibang programa.
Nabanggit niya na hinahanapan din nila ng solusyon na magka-trabaho ang higit apat na milyong manggagawa na lubos na naapektuhan ng kasalukuyang krisis pangkalusugan.
Malilimitahan ang komersiyo sa Metro Manila dahil sa ECQ na iiral muli simula sa Biyernes, Agosto 6 hanggang Agosto 20.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.