Presensya ng DICT, hindi maramdaman sa laban kontra COVID-19

By Erwin Aguilon August 02, 2021 - 03:16 PM

Kuha ni Richard Garcia

Pinuna ni AP Rep. Ronnie Ong ang mabagal na paglikha ng national contact tracing portal at vaccination database na dapat sana’y nagagamit para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Katuwiran ng kongresista, hindi matatalo ng paulit-ulit lang na lockdown ang pagkalat ng virus kung hindi armado ang gobyerno ng tamang gamit para mabilis na matuloy at matunton ang mga potensyal na carriers at spreaders.

Sabi ni Ong, kaya nga nilikha ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ay para may hiwalay na ahensya ang gobyerno na tututok sa information technology requirement ng bansa pero hindi rin naman aniya ito maramdaman.

Ayon pa sa mambabatas, sa gitna ng health crisis ay may pagkakataon sana ng DICT na magpakitang-gilas ng kakayahan sa information and resource-sharing gayundin sa database-building pero mahigit isang taon na ang pandemya ay wala pa rin itong reliable at verifiable contact tracing at vaccination portal.

Binanggit nito na kahit ang online contact tracing portal na “Stay Safe” ay useless dahil hindi connected sa sistema na awtomatikong susubaybay sa mga posibleng insidente ng close contacts sa suspected carriers.

Binigyang diin ni Ong na kung mayroong portal ay nagagamit na dapat ito ng IATF sa mabilis na access sa lahat ng datos na kinakailangan sa mabilis na monitoring at tracing, gayundin sa real-time verification ng mga taong fully vaccinated na.

TAGS: 18thCongressm DICT, InformationDissemination, InquirerNews, RadyoInquirerNews, RonnieOng, 18thCongressm DICT, InformationDissemination, InquirerNews, RadyoInquirerNews, RonnieOng

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.