Sesyon sa Senado sinuspindi dahil sa pag-iral ng ECQ

Walang mangyayaring sesyon sa Senado sa susunod na linggo kasabay nang pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Ito ang inanunsiyo ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at sakop nito ang mga sesyon mula Agosto 9 hanggang 11.

Ayon pa din sa senador pinag-aaralan na kung maging ang mga naitakdang pagdinig ng ibat-ibang komite sa nabanggit na petsa ay susupindihin na rin.

Isa aniya sa inaalala niya ay wala naman mga angkop na gamit ang kanilang stenographers para sa lahat ng mga mababanggit sa mga pagdinig.

Ngayon araw hanggang sa Miyerkules ay magkakaroon pa ng sesyon sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Read more...