Sisimulan na ng Manila City government ang pag-arangkada ng 24/7 operation ng COVID-19 vaccination sa lungsod sa mga susunod na linggo.
Inanunsyo ni Mayor Isko Moreno ang planong 24/7 na bakunahan sa isinawagang groundbreaking ceremony sa Mababang Paaralan ng Dr. Alejandro Albert sa Sampaloc.
Aniya, mahalagang magkaroon ng proteksyon ang bawat residente ng Maynila laban sa banta ng COVID-19.
“Kung sinumang lisensiyadong puwedeng magbakuna, idu-duty ko kayo sa gabi to replenish our workforce, our medical frontliners during daytime,” pahayag ng alkalde.
Dahil dito, naghahanap ang Manila GU ng mga manggagawa sa sektor ng kalusugan na nais magboluntaryo para sa isasagawang 24/7 na bakunahan.
Kabilang sa hinahanap ng ay doktor, nars, dentista, komadrona, medical technologist, parmasyutiko at iba pang mga propesyonal ng allied health programs.
Naghahanap din ng mga nagtapos ng kolehiyo o mag-aaral ng kolehiyo na maalam sa paggamit ng computer para magsilbi namang encoder ng Kagawaran ng Kalusugan ng Maynila.
Para sa mga nais magboluntaryo, maaaring mag-text o tumawag sa numerong 0995-106-9524 (Globe) at 0960-604-0771 (Smart).