Ayon kay Yap, mayroong officer-in-charge na itinalaga habang naka-leave si Avisado sa Department of Budget and Management sa katauhan ni Usec. Tina Canda, na matagal na rin sa DBM.
Giit ni Yap, may kakayahan ito na hawakan ang trabaho ng kagawaran at humarap sa mga pagdinig hinggil sa panukalang pambansang pondo.
Bukod dito, “one call away” lamang naman si Avisado kaya walang magiging problema.
Inihayag ito ni Yap kasunod ng anunsyo ng Malakanyang na si Avisado ay naka-leave simula August 2 hanggang 13, upang magpahinga matapos na tamaan ng COVID-19 kamakailan.