Special audit inihirit ni Sen. Frank Drilon sa 2021 budget ng NTF – ELCAC

By Jan Escosio August 02, 2021 - 02:53 PM

Hiniling ni Senate Minority Leader Frank Drilon na magkaroon ng special audit sa ibinigay na pondo sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Kasabay nito, pinuna ni Drilon ang plano ng gobyerno na doblehin sa susunod na taon ang pondo ng ahensiya base sa impormasyon na kanyang natanggap.

Hindi na rin nagpatumpik-tumpik ang senador ang tinawag na ‘election giveway’ ang pagdoble sa sinasabing ‘anti-insurgency fund.’

“It is an election year budget and it is obvious that the 100 percent increase in the NTF-ELCAC budget is designed to woo voters,” aniya.

Pagdidiin nito, hindi katanggap-tanggap ang plano ng Malakanyang dahil tumitindi pa ang banta ng COVID 19.

Hindi aniya ito makatarungan sa 4.2 milyong pamilyang Filipino na nagugutom ngayon at sa 3.73 milyon na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Ngayon taon, 19.2 bilyon ang ibinigay na pondo sa NTF-ELCAC at P16 bilyon ang ipinamahagi sa 820 barangay na idineklarang ‘insurgency free.’

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.