Paglulunsad ng tambalang Lacson – Sotto ipinagpaliban dahil sa banta ng Delta variant

Nagkasundo sina Senate President Vicente Sotto III at Senator Panfilo Lacson na ipagpaliban ang dapat na paglulunsad ng kanilang kandidatura para sa eleksyon sa susunod na taon dahil sa matinding banta ng Delta variant ng COVID 19.

Sinabi ni Sotto na hindi na nila itutuloy ang kanilang paglulunsad sa Miyerkules, Agosto 4.

Diin pa nito, mas mahalaga na kumilos muna sila para pangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng sambayanan.

“It is best to focus more on attending to our people’s health concerns and priorities than any other non-health related activities,” giit pa ni Sotto.

Sinabi pa nito na maaring sa Setyembre na lang nila itutuloy ang pormal na paglulunsad ng presidential at vice presidential bid nila ni Lacson.

Nabanggit nito na isa sa ikinukunsidera na nilang bagong petsa ay Setymenbre 8.

 

Read more...