Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 199,025,423 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 35,768,924 cases.
Sumunod na rito ang India na may 31,695,958 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 19,938,358 naman ang kaso sa Brazil habang 6,288,677 ang napaulat na kaso sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 6,146,619
– United Kingdom – 5,880,667
– Turkey – 5,747,935
– Argentina – 4,935,847
– Colombia – 4,794,414
– Spain – 4,447,044
– Italy – 4,355,348
– Iran – 3,903,519
– Germany – 3,778,276
– Indonesia – 3,440,396
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,240,425 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 179,634,871 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.