Asawa ni dating Vice President Noli de Castro pumanaw na

(Facebook photo of Kat de Castro)

Pumanaw na ang asawa ni dating Vice President at brodkaster Noli de Castro na si Arlene de Castro.

Sa Facebook post ni Kat de Castro, pumanaw ang kanyang ina kaninang umaga, July 31, 2021.

Nagpapasalamat ang batang de Castro sa mga nanalangin para sa kanyang ina.

Hindi naman tinukoy ng nakababatang de Castro ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang ina.

Nabatid na nagsilbing executive producer ng ABS-CBN Corporation.

 

 

Read more...