Paalala ng PCG sa mga marino, huwag pumalaot kapag masama ang panahon

By Angellic Jordan July 21, 2021 - 02:00 PM

Nagbabala ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga marino na huwag pumalaout tuwing masama ang lagay ng panahon para sa kanilang kaligtasan.

Noong araw ng Martes, July 20, sinagip ng PCG Sub-Station Semirara ang walong crew members ng MB ROXANNE L sa karagatang sakop ng Semirara Island sa Caluya, Antique.

Batay sa pahayag ng mga nasagip na indibiduwal, nakaranas sila ng malakas na hangin at mabigat na buhos ng ulan habang bumibiyahe mula sa Caminawit Pier sa San Jose, Occidental Mindoro.

Patungo sana ang barko sa Semirara Pinagpala Port sa Caluya, Antique.

Dahil sa malalaking alon, nasira ang freeboard kung kaya lumubog ang barko.

Dinala naman ang mga indibiduwal sa Barangay Disaster Risk Reduction Management ng Semirara para sa iba pang medical assistance.

TAGS: InquirerNews, RadyoInquirerNews, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.