Pinay boxer na si Nesthy Petecio pasok na sa finals, gintong medalya malapit na

By Chona Yu July 31, 2021 - 01:08 PM

Isang panalo na lang at masusungkit na ng Pinay boxer na si Nesthy Petecio ang gintong medalya sa Tokyo Olympics.

Ito ay matapos talunin ni Petecio ang mas malaki at mas matangkad na kalaban ng Italy na si Irma Testa sa women’s featherweight class sa Kokugikan Arena.

Nabatid na nagpakiramdaman pa ang dalawang boksingero sa unang round.

Gayunman, mas naging agresibo si Petecio sa ikalawa at ikatlong round dahilan para talunin si Testa.

Split decision ang pasya ng mga judges pabor kay Petecio.

TAGS: Irma Testa, Nesthy Petecio, Tokyo Olympics, Irma Testa, Nesthy Petecio, Tokyo Olympics

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.