Higit 200 pamilya, inilikas sa Cavite dahil sa pagbaha

PCG photo

Inilikas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang higit 200 pamilya sa iba’t ibang bayan sa Cavite.

Ito ay dahil sa naranasang pagbaha bunsod ng sama ng panahon sa araw ng Sabado, July 24, 2021.

Aabot sa 225 pamilya o 775 residente ang inilikas ng mga tauhan ng PCG.

Sa nasabing bilang, 25 pamilya 0 107 residente ang inilikas sa Noveleta; 19 pamilya o 90 residente sa Rosario; 88 pamilya o 234 residente sa Ternate; 93 pamilya o 344 residente sa Naic.

Patuloy naman ang pagbabantay ng PCG Station Cavite sa mga sumusunod na lugar:
– Barangay San Rafael lV, Noveleta, Cavite
– Barangay Bucana Sasahan, Naic, Cavite
– Tirona Highway, Bacoor, Cavite
– Barangay Arnaldo, General Trias, Cavite
– Barangay Sta. Clara, General Trias, Cavite

Read more...