(Inquirer photo)
Pasok na sa quarterfinals ang pambato ng Pilipinas na si Ernest John ‘EJ’Obiena sa men’s pole vault competition sa Tokyo Olympics.
Ito ay matapos makuha ni Obiena ang ika-10 pwesto at ikalima sa Group B sa 5.75 meters.
Nabatid na dalawang beses na pumalya si Obiena bago nakuha ang flawless run sa ikatlong attempt sa 5.50m at 5.56m.
Sa Augst 3 nakatakda ang final round sa pole vault competition.
MOST READ
LATEST STORIES