Political rally ni Rep. Bullet Jalosjos, pinaulanan ng bala

 

Mula sa Twitter.com

Tinatayang nasa 20 hanggang 30 putok ng baril ang nadinig sa paligid ng pinag-ganapan ng campaign rally ni Zamboanga del Norte Rep. Bullet Jalosjos.

Dakong alas-4:30 ng hapon ng Martes habang paakyat ng entablado si Jalosjos nang biglang may nagpaputok malapit lang sa bisinidad na pinag-ganapan ng kaniyang proclamation rally.

Sa kabutihang palad, wala namang nasaktan sa pangyayari, pero naniniwala si Jalosjos na ang mga pagpapa-putok na iyon ay para sa kaniya o isa sa mga miyembro ng kaniyang grupo.

Hinihinalang mula sa iba’t ibang direksyon ang mga pinaputok na baril dahil dinig ito sa loob ng bisinidad, sa gilid, sa likod at sa labas, kaya naman hindi na rin nila nagawang mag-pulasan palayo.

Pinuna naman ni Jalosjos ang hindi agad na pagpunta ng mga pulis sa lugar kahit na napakaraming putok aniya ng baril ang nadinig.

Sa halip na rumesponde agad, tapos na ang mga kaganapan nang dumating ang mga pulis, na ngayon ay iniimbestigahan na ang mga pangyayari.

Si Jalosjos ay anak ng dati ring kongresista na si Romeo Jalosjos, na nahatulan sa salang pangga-gahasa ng isang batang babae.

Read more...