16 patay sa misteryosong sakit sa Nepal
Labing-anim na ang nasawi habang marami pang iba ang naapektuhan na ng kumakalat na misteryosong sakit sa ilang bahagi ng Nepal sa nagdaang dalawang linggo.
Partikular na nararanasan ang misteryosong sakit sa Raya, Syada at Madana village development committee (VDCs) sa Humla district ng Nepal.
Ang VDCs ay halos katumbas ng munisipalidad dito sa Pilipinas.
Ayon sa nepaltrust.org, ang Humla district ang isa sa pinakamatataas at most inaccessible districts ng Nepal, at aabutin ng apat na araw ang paglalakbay patungo doon mula sa district headquarters ng Simikot, sa pamamagitan ng paglalakad.
Base sa mga ulat, 14 katao ang nasawi sa Raya at Syada, habang dalawang tao naman sa Madana.
Nakararanas ng mga sintomas na tulad sa trangkaso ang mga pasyenteng apektado ng misteryosong sakit tulad ng pananakit ng ulo, lagnat at sipon.
Ayon sa isang guro sa Syada VDC, mabilis kumalat ang sakit sa kanila ngunit kulang naman ang supply ng gamot.
Agad namang nagpadala ng mga medical teams sa lugar ang District Public Health Office.
Bukod sa mga nasabing VDC, may mga naitala na ring kaso ng misteryosong sakit sa mga villages na Rodikot, Saya, Barai at Melcham.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.