DBM, inatasang maghanap ng pondo para maayudahan ang mga residente sa NCR kasunod ng ECQ
Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Budget and Management (DBM) na maghanap ng pondo para maayudahan ang mga residente sa Metro Manila na apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula August 6 hanggang 20.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kailangang may sapat na pondo dahil sa ilalim ng ECQ, limitado ang galaw ng tao.
Gayunman, hindi matukoy ni Roque kung magkano ang ayuda.
Ipatutupad ang ECQ sa Metro Manila dahil sa Banta sa COVID-19 Delta variant.
Sa ngayon, nasa General Community Quarantine (GCQ) pa ang Metro Manila at tatagal hanggang August 5.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.