Pondo sa pagtatatag ng Virology Institute of the Philippines, aabot sa P283-M

July 30, 2021 - 04:00 PM

Aabot sa P283 milyon ang tiyak nang pondo para sa pagtatatag ng Virology Institute of the Philippines o VIP.

Ito ang sinabi ni House Committee on Health chairman at Quezon Rep. Angelina Tan, kasunod ang pag-apruba ng Kamara sa House Bill 9559.

Ayon kay Tan, ang P283 milyon ay kasama na sa 2021 National Expenditure Program.

Kinumpirma rin ito ni Department of Science and Technology o DOST Sec. Fortunato dela Peña.

Bukod dito, may kautusan na rin si Pangulong Rodrigo Duterte na isama ang pondo para sa VIP sa panukalang 2022 national budget.

Nagpapasalamat naman ang DOST sa Kamara sa pagkakapasa sa naturang panukala, habang nakikiusap sa Senado na aksyunan ang bersyon ng VIP Act, lalo’t napapanahon ito sa COVID-19 pandemic at iba pang health emergencies na posibleng maranasan ng bansa.

Sinabi ni Tan na sa ilalim ng panukala, bubuo ng isang VIP na tututok sa “key development areas” sa virology science and technology applications sa mga halaman, hayop, at mga tao.

Inaasahang maipapamalas din ng mga Pinoy scientist ang kanilang kakayahan para mapa-angat ang virology sa Pilipinas.

TAGS: 18thCongress, Angelina Tan, InquirerNews, RadyoInquirerNews, VIP, Virology Institute of the Philippines, 18thCongress, Angelina Tan, InquirerNews, RadyoInquirerNews, VIP, Virology Institute of the Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.