Mayoral candidate mahilig sa pulang underwear na pampaswerte – Wacky Leaks ni Den Macaranas

 

Segurista itong isang kandidato na gustong bumalik sa kanyang dating pwesto bilang Mayor sa isang lungsod sa Metro Manila.

Bukod sa pag-konsulta sa sangkatutak na mga feng shui guru ay namili rin pala si Mr. Politician ng mga pampaswerte na nakalagay sa kanyang bahay, sasakyan at pati sa bulsa.

Pero hindi lang yun, pinayuhan siya ng isa sa marami niyang feng shui advisers na dapat magsuot siya ng pulang underwear kapag nangangampanya sa mga lugar na mahina ang kanyang dating.

Dahil segurista nga si Mr. Politician kaya araw-araw mula ng magsimula siyang mangampanya ay laging pula na ang kanyang suot na under garments.

Sinabi ng ating Cricket na kung dati ay assorted ang undies ni Sir ngayon ay iisa na lang….kulay red.

Hindi pa dito nagtatapos ang ating mapulang kwento dahil ibinisto ng isa sa kanyang mga staff na pati pala punda ng unan ng kanyang amo ay pula rin.

Totoong mapamahiin ang ating bida dahil kapag hindi pa siya nanalo sa susunod na eleksyon malamang ay tuluyan na raw itong magretiro sa pulitika.

Pero kung sakali ngang matalo siya sa halalan ay meron ng plan B ang ating bida.

After ng one year prohibition sa paghawak ng pwesto sa gobyerno ng mga talunang kandidato ay hihingi daw siya ng posisyon sa susunod na pangulo.

Kahit sino naman daw ang manalo ay makakahirit siya ng posisyon dahil kaibigan naman daw niya ang lahat sa hanay ng mga presidential aspirants.

Sinabi ng ilan sa kanyang mga kaibigan na mahihirapan sa eleksyon si Mr. Politician dahil ubod ito ng kuripot sa katawan.

Madalas daw ay abonado pa ang kanyang mga kasamahan sa pangangampanya na kabaliktaran naman ng kanilang kalaban sa kasalukuyan.

Hangga’t maari ay ayaw gumastos ni Sir yun seguro ang dahilan at uniaasa niya sa swerte ang kanyang kapalaran sa halalan.

Ang bida sa ating kwento na ngayon ay tinatawag na Mayor Red ay si Mr. F….as in Fula.

Read more...