Lt. Gen. Faustino, itinalagang susunod na AFP Chief of Staff

AFP Twitter photo

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lt. Gen. Jose Faustino bilang susunod na Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Papalitan ni Faustino si AFP Chief of Staff Cirilito Sobejana na magreretiro sa July 31, 2021.

Nilagdaan ng Pangulo ang appointment paper ni Faustino sa araw ng Huwebes, July 29, 2021.

Nabatid na tatlong buwan lamang na manunungkulan sa puwesto si Faustino dahil magreretiro na ito sa Nobyembre.

Si Faustino ang kumander ng Joint Task Force for peace and security in Mindanao.

Bago ang appointment, nagsilbi rin si Faustino bilang Philippine Army.

Read more...