Higit 7.8-M katao sa bansa, fully vaccinated na kontra COVID-19

Pumalo na sa mahigit 7.8 milyong katao ang fully vaccinated na kontra COVID-19.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nasa 11.5 milyon naman ang naturukan ng first dose.

Sa kabuuan, sinabi ni Roque na nasa 19.3 million doses na ang kabuuang bilang ng mga nabakunahan.

Kumpiyansa si Roque na bago matapos ang buwan ng Hulyo, nasa 20 milyong katao na ang bakunado sa Pilipinas.

“Inaasahan natin na maaabot natin ang target na 20 million doses administered bago matapos ang buwan ng Hulyo,” pahayag ni Roque.

Read more...