BREAKING: Bilang ng COVID-19 cases sa bansa, lagpas 1.58-M na; 8,562 ang bagong napaulat

Mahigit 8,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (July 30), pumalo na sa 1,580,824 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 61,920 o 3.9 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 8,562 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

94.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.2 porsyento ang asymptomatic; 1.49 porsyento ang moderate; 2.1 porsyento ang severe habang 1.2 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 145 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 27,722 o 1.75 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 2,854 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,491,182 o 94.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...