Inendorso sa Office of the Ombudsman ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra ng ang reklamong paglabag ng Section 3 (e) ng Republic Act ( RA) No. 3019 o Anti- Graft and Corrupt Practices Act, Sec. 65 (c) (1) ng RA No. 9184 o Government Procurement Reform Act laban kay Nueva Vizcaya Governor Carlos Padilla dahil sa hindi natapos na proyekto na kabilang sa proyektong pang imprastraktura ng gobyerno.
Kabilang sa mga proyektong ito ang Nueva Vizcaya Convention Center, Improvement at Expansion ng Provincial Capitol Building Phase 1 and 2, at Confence Hall sa Lower Magat Eco-Tourism Park sa Diadi, Nueva Vizcaya
Sa joint investigation ng Presidential Anti- Corruption Commission (PACC) at ng National Bureau of Investigation – Special Action Unit (NBI- SAU), pinasasampahan ng kapareho ring kasong kriminal ang iba pang opisyal at dating opisyal sa Nueva Vizcaya na kinabibilangan nila RUTH R. PADILLA; dating Gobernador, at 15 iba pa, kasama ang ilang opisyal ng sharysu builders na contractor ng proyekto
Bukod sa reklamong paglabag sa anti-graft law, inirekomenda rin ng mahaharap din ang respondents sa reklamong admistratibo o grave misconduct, serious dishonesty at conduct prejudicial detrimental to the best interest of the service .
Naunah inirekomenda ni PACC Commissioner Atty Danilo D.C. Yang na ilagay sa preventive suspension ang mga respondent na si Governor Padilla at 16 iba pa upang maiwasan na maipluwensyahan ang imbestigasyon, maiwasan na takutin ang potential witness at maiwasan ang tampering ng records o ng mga dokumento.
Sinabi ni Guevarra na paiigtingin pa ng Task Force Against Corruption ng DOJ ang kampanya upang tumulong kay Pangulong Duterte laban sa korupsyon, ito ay sa tulong ng kooperasyon at suporta ng Office of the Ombudsman (OMB).
Plano ng DOJ na magtalaga ng prosecutors at COA auditors bilang resident Ombudsman sa tinatawag na graft-prone agencies sa pamahalaan.
Matatandaang tinuran ni Pangulong Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address o SONA na paiigtingin pa rin ang kanyang nalalabing panahon sa kanyang termino ang kampanya laban sa korupsyon sa gobyerno.