Nangako si Senator Panfilo Lacson sa taumbayan na hihimayin nilang mga senador ang itinutulak na 2022 P5.024 trillion national budget kasabay nang paghahanda sa eleksyon sa susunod na taon.
Kasabay ito ng kanyang pagtitiyak na maipapasa nila sa tamang panahon ang pambansang pondo sa susunod na taon.
“The passage of the national budget bill will not be delayed if we can help it. While we are aware of the Oct. 1-8 schedule for filing of certificates of candidacy, we can assure our people that the preparations for the 2022 elections will not disrupt our efforts to scrutinize and pass the national budget. Hangga’t nasa loob kami ng Senado at ginagampanan ang aming mga tungkulin bilang senador, we will be legislators first and foremost,” he said.
Dagdag pa ni Lacson, na kapwa sila umaasa ni Senate President Vicente Sotto III na hindi ‘reenacted budget’ ang gagamitin sa susunod na taon.
Inaprubahan na ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang expenditure ceiling sa 2022 National Expenditure Program sa P5.024 trillion.
Ang pondo ay 11.5 porsiyentong mas mataas sa 2021 NEP.