Sen. Ping Lacson tiniyak na bubusisiin ang P5.02T 2022 budget

By Jan Escosio July 30, 2021 - 08:45 AM

Nangako si Senator Panfilo Lacson sa taumbayan na hihimayin nilang mga senador ang itinutulak na 2022 P5.024 trillion national budget kasabay nang paghahanda sa eleksyon sa susunod na taon.

Kasabay ito ng kanyang pagtitiyak na maipapasa nila sa tamang panahon ang pambansang pondo sa susunod na taon.

“The passage of the national budget bill will not be delayed if we can help it. While we are aware of the Oct. 1-8 schedule for filing of certificates of candidacy, we can assure our people that the preparations for the 2022 elections will not disrupt our efforts to scrutinize and pass the national budget. Hangga’t nasa loob kami ng Senado at ginagampanan ang aming mga tungkulin bilang senador, we will be legislators first and foremost,” he said.

Dagdag pa ni Lacson, na kapwa sila umaasa ni Senate President Vicente Sotto III na hindi ‘reenacted budget’ ang gagamitin sa susunod na taon.

Inaprubahan na ng  Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang expenditure ceiling sa 2022 National Expenditure Program sa P5.024 trillion.

Ang pondo ay 11.5 porsiyentong mas mataas sa 2021 NEP.

TAGS: 2022 national elections, Senator Ping Lacson, Vicente Sotto III, 2022 national elections, Senator Ping Lacson, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.