Mahigit isang milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccines dumating sa bansa

Dumating na sa bansa ang mahigit isang milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccines.

Mismong si Health Secretary Francisco Duque III ang sumalubong sa mga bakuna.

Galing ang mga bakuna sa China at dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sakay ng Cebu Pacific Flight 5J 723.

Nabatid na ang mga dumating na bakuna ay bahagi ng 26 milyong doses ng Sinovac  na binili ng pamahalaan ng Pilipinas.

 

 

Read more...