Mga senador pinuri ang ‘freeze order’ sa mas mataas na buwis sa private school

By Jan Escosio July 29, 2021 - 08:21 PM

 

Ipinagpasalamat ng ilang senador ang pagsuspindi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa memo para sa paniningil ng preferential tax sa mga pribadong eskuwelahan.

Sinabi ni Sen. Sonny Angara nakahinga na ng maluwag ang mga may-ari ng mga pribadong eskuwelahan dahil kabilang ang mga ito sa labis na nakaramdam ng epekto ng pandemya sa ekonomiya.

Ayon sa senador nagkaroon lang ng maling interpretasyon ang BIR sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.

Naghain ng panukala si Angara para mas maging malinaw ang isang probisyon sa batas at sinuportahan agad siya ng mayorya sa kanyang mga kapwa senador.

Pinasalamatan naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto si Finance Sec. Carlos Dominguez III sa pagkilala sa apila ng mga senador na bawiin ang kautusan ng BIR.

“This is one problem partially solved. Let us move forward by adopting measures that will address the crisis in the entire educational system which the pandemic has worsened,” sabi ni Recto.

Hiniling naman ni Sen. Joel Villanueva na gawing permanente na ang ‘freeze order’ at aniya magagawa naman ito sa pamamagitan ng pag-amyenda sa batas.

“Ito po ang kailangan natin na ‘academic revenue freeze.’ Dagdag na tulong, hindi dagdag na tax ang kailangan ng mga pribadong paaralan sa panahon ng pandemya. Wala pong revenue loss dito,” diin ni Villanueva.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.