“All our athletes have uplifted the country’s spirits amid this challenging time. We are grateful to them for going above and beyond, and we know they all have respective support teams behind them – this is why we want to have them and their loved ones enjoy free flights from us,” ayon kay Candice Iyog, vice president for Marketing & Customer Experience ng Cebu Pacific.
Ang bibigyan ng free flights ay sina Eireen Ando, Kurt Barbosa, Hidilyn Diaz, Margielyn Didal, Luke Gebbie, Kris Knott, Eumir Marcial, Irish Magno, Cris Nievarez, EJ Obiena, Carlo Paalam, Bianca Pagdanganan, Juvic Pagunsan, Nesthy Petecio, Remedy Rule, Yuka Saso, Jason Valdez, Kiyomi Watanabe, at Carlos Yulo.
Sinabi ni Iyog na 25 libreng biyahe ang ibibigay nila sa mga nabanggit na atleta kasabay nang paggunita ng kanilang 25 anibersaryo.
Paliwanag niya ang free flights ay maari din ibahagi ng mga atleta sa kanilang mga mahal sa buhay at kaibigan na sumusuporta sa kanilang pagsabak sa mundo ng palakasan.
Dagdag pa ni Iyog ang free flights ay maaring gamitin sa domestic at short haul destination network ng Cebu Pacific.