Sen. Dick Gordon kailangan manatili sa ospital para gamutin sa COVID 19
Hindi na pinalabas ng kanyang doktor sa Makati Medical Center si Senator Richard Gordon, na COVID 19 positive.
Sa pamamagitan ng isang negative pressure ambulance ng Philippine Red Cross ay dinala kagabi sa nabanggit na ospital ang senador.
Sa inilabas na update ng opisina ni Gordon ukol sa kanyang kalagayan, nabanggit na kinakailangan na obserbahan at senador.
Kailangan din ng sumailalim sa mga tests si Gordon kaugnay sa pagkakataglay niya ng 2019 coronavirus.
Ibinahagi din na base sa resulta ng initial COVID 19 panel test results at high resolution chest CT-scan, may indikasyon na may COVID pneumonia ang senador.
Depende na rin sa kanyang mga doktor ang pananatili sa ospital ni Gordon.
Kasabay nito, pinasalamatan niya ang mga nagpadala sa kanya ng mga mensahe at nananalangin para sa kanyang paggaling.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.