Isyu sa pagitan ng Globe at isang barangay sa Mandaluyong City plantsado na
Naglabas ng paglilinaw ang pamahalaang-lungsod ng Mandaluyong kaugnay sa isyu sa pagitan ng Globe Telecom at pamahalaang-barangay ng Plainview ukol sa pagpapatayo ng cell site.
Sinabi ni Coun. Roehl Bacar hindi na kailangan pang kumuha ng Building Permit, Fire Safety Evaluation Clearance, Barangay Clearance, o Locational Clearance sa aplikasyon para sa konstruksiyon ng telecommunications tower infrastructure.
Paliwanag ni Bacar nabalewala na ang resolusyon ng Barangay Plainview Council ng Republic Act 11469 o ang Bayanihan to Heal as One Act at Republic Act 11494 o ang An Act Providing for COVID 19 Response and Recovery Interventions.
Dagdag pa ng opisyal, ang kanilang konseho ay nagpalabas din ng resolusyon para mapadali pa ang proseso at requirements kaugnay sa pagkuha ng permits, lisensiya at clearances sa pagpapatayo ng mga imprastraktura o pasilidad para sa telekomunikasyon.
Mismong si Pangulong Duterte na ang nag-utos na gawing madali at mabilis ang pagtugon ng mga lokal na pamahalaan sa mga aplikasyon ng mga telcos.
Sinabi pa nito na ang mga dokumento ng telcos ay dapat nagtatagal lang ng ilang oras ang pag-proseso.
Pagtitiyak naman ni Bacar na mamamagitan na sila sa Globe at Barangay Plainview para maplantsa na ang lahat ng isyu ayon sa mga nakasaad sa batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.