Palasyo, hindi tiyak kung kakayaning makapagbigay ng ayuda sakaling isailalim muli sa ECQ ang NCR

By Chona Yu July 29, 2021 - 05:37 PM

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Aminado ang Palasyo ng Malakanyang na hindi nila alam kung kakayanin pa ng gobyerno na maayudahan ang mga residente sakaling muling magpatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kapag kasi nag-lockdown ang Metro Manila, marami ang magugutom lalo’t 60 porsyento ng gross domestic product o GDP ang nasa kalakhang Maynila.

“At kaya ko rin sinasabi po na we are employing the whole of government approach, is iyon nga po, ang sabi nila, okay mag-ECQ sa kanila, basta may ayuda. Ang isyu po: Mayroon ba talaga tayong maibibigay na ayuda? Dahil alam naman natin, kapag tayo ay nag-lockdown sa Metro Manila napakadaming magugutom at siyempre po 60% po ng ating GDP ay galing sa Metro Manila at iyong mga Plus 8 area,” pahayag ni Roque.

Marami din aniya ang mawawalan ng trabaho kapag ipinatupad ang lockdown.

“So, complete closure of the economy, mawawalan ng trabaho, and ang katotohanan po, hindi ko po alam kung mayroon tayong pang-ayuda para sa another malawakang lockdown. Siguro po kung talagang kinakailangan, hahanap at hahanap tayo,” pahayag ni Roque.

“Hindi ko po alam kung mayroon tayong ayudang maibibigay,” dagdag ng kalihim.

TAGS: areas under ECQ, Delta, DeltaCOVID, DeltaPH, DeltaVariant, doh, ECQ, HarryRoque, InquirerNews, lockdown, RadyoInquirerNews, areas under ECQ, Delta, DeltaCOVID, DeltaPH, DeltaVariant, doh, ECQ, HarryRoque, InquirerNews, lockdown, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.