Phivolcs, nag-abiso sa ilang lalawigan na maging alerto kasunod ng M8.1 na lindol sa Alaska
Naglabas ng abiso ang Phivolcs ang ilang lalawigan na maging alerto kasunod ng tumamang malakas na lindol sa Alaska.
Base sa preliminary earthquake parameters, may lakas na magnitude 8.1 ang yumanig na lindol sa 60 miles Southeast ng Chignik bandang 2:15 ng hapon.
18 kilometers ang lalim nito.
Ayon sa Phivolcs, may posibilidad na magkaroon ng mapaminsalang tsunami sa baybayin ng naturang rehiyon malapit sa episentro.
Sinabi ng ahensya na hindi pa magbababa ng kautusan para ilikas ang mga residente sa ilang lalawigan sa Pilipinas.
Ngunit, inabisuhan ang coastal communities sa mga sumusunod na probinsya na antabayanan ang susunod na anunsiyo ng Phivolcs:
– Batanes Group of Islands
– Albay
– Surigao del Sur
– Cagayan
– Catanduanes
– Davao Oriental
– Ilocos Norte
– Sorsogon
– Davao De Oro
– Isabela
– Eastern Samar
– Davao del Norte
– Quezon
– Northern Samar
– Davao del Sur
– Aurora
– Leyte
– Davao Occidental
– Camarines Norte
– Southern Leyte
– Camarines Sur
– Surigao del Norte
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.