Pilipinas, nakapagtala ng 97 pang kaso ng Delta variant

Nakapagtala ang Pilipinas ang karagdagang 97 kaso ng Delta variant ng COVID-19.

Ayon sa Department of Health, 88 sa nasabing bilang ng kaso ay local cases.

Sinabi pa ng kagawaran na nasa anim ang returning overseas Filipinos habang tatlo ang bineberipika pa.

Dahil dito, umabot na sa 216 ang kabuuang bilang ng naitalang kaso ng Delta variant sa bansa.

Read more...