Sen. Ping Lacson nanumpa bilang chairman ng Reporma Party
Nanumpa na si Senator Panfilo Lacson bilang bagong chairman ng Demokratikong Reporma Party (Reporma).
Ipinanumpa siya nina dating House Speaker at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez at Reporma founder at dating Defense Sec. Renato de Villa.
Sa larawan na mula sa partido, makikita rin si dating Makati City Rep. Monsour del Rosario.
“My advocacies are well aligned with those of Reporma like – people’s sovereignty and democracy, decentralization and devolution of powers, social justice responsibility, strong economic foundation, environmental awareness, voters’ education, among others,” ang mensahe ni Lacson sa Senate reporters.
Dagdag pa nito, inaasikaso na nila ang mga dati at bagong miyembro ng Reporma.
Noong nakaraang linggo, inanunsiyo ni Lacson ang pagsabak niya muli sa ‘presidential derby’ sa susunod na taon at ka-tandem niya si Senate President Vicente Sotto III, ang chairman ng Nationalist People’s Coalition (NPC).
Inaasikaso na ang alyansa ng Reporma at NPC, ayon na rin sa naunang pahayag ni Sotto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.