People’s Participation in the National Budget Process Act, pasado na sa Kamara

July 29, 2021 - 01:50 PM

Aprubado na sa Kamara ang ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 7407 o People’s Participation in the National Budget Process Act.

Sa botong 200 YES at 0 NO, nakalusot ang panukalang batas na nagsusulong ng transparency sa proseso ng pagtalakay at pag-apruba ng budget.

Sa ilalim ng panukala, gagawing participatory ang proseso kung saan maaring makalahok sa deliberasyon ng pambansang pondo ang grassroots organizations.

Pinapayagan ng panukala ang publiko na magbigay ng desisyon sa proseso ng pag-apruba ng pondo na magiging daan para matiyak ang accountability at paggamit sa taxpayer’s money.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng notices ng hearings, tatanggap ng budget documents at magsusumite rin ng sariling proposals ang mga accredited civil society organizations na lalahok sa budget preparation ng mga ahensya ng gobyerno.

Uupo rin ang mga ito bilang resource persons sa budget deliberations sa Kongreso at mag-oobserba sa bicameral conference committee meetings.

Nauna nang sinabi ni House Committee on People’s Participation San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” Robes na sa ganitong paraan, magkakaroon ng boses ang publiko kung paano dapat gastusin ang pondong ipinapasa ng Kongreso at matitiyak na tumutugon ito sa pangangailangan ng mga Pilipino.

TAGS: House Bill 7407, InquirerNews, People's Participation in the National Budget Process Act, RadyoInquirerNews, House Bill 7407, InquirerNews, People's Participation in the National Budget Process Act, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.