Paghahanda ng Pilipinas sa posibleng pagtama ng iba pang pandemya, lalakas pa – Rep. Tan
Inaasahang lalakas ang kapasidad ng Pilipinas na mapaghandaan ang posibleng pagtama ng iba pang pandemya sa hinaharap.
Ito ay matapos na aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang Health Procurement and Stockpiling Act sa Kamara.
Ayon kay House Committee on Health chairman Angelina Helen Tan, layon ng naturang panukalang batas na maprotektahan ang public health sa pamamagitan ng pagbibigay solusyon sa problema sa access sa mga gamot, vaccines, devices at materials sa panahon ng public health emergencies.
Makikita aniyang nahaharap pa rin ang bansa sa COVID-19 pandmeic na kailangang may naka-preposition nang critical at strategic na mga gamot at medical devices pati na rin ng supply ng raw materials.
Kailangan aniya sa ngayon na maging proactive ang pamahalaan sa pagtugon nito sa public health emergencies lalo pa at base sa Joint External Evaluation (JEE) Mission report ang Pilipinas ay isa sa natural-disaster prone countries sa mundo.
Sa ilalim ng panukala, magtatatag ng Health Procurement and Stockpiling Bureau sa ilalim ng Department of Health.
Aatasan ito para sa pag-imbak, conserve, at facilitate sa release ng sapat na bilang ng potentially life-saving pharmaceuticals, vaccines, devices, at materials sa panahon ng public health emergencies.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.