3 bahay sa gilid ng creek sa Quezon City gumuho

By Chona Yu July 29, 2021 - 01:40 PM

Bumigay ang tatlong bahay sa Barangay Bagong Silangan sa Quezon City dahil sa paglambot ng lupa.

 

Sinasabing lumambot ang lupa dahil sa halos walang tigil na pag-ulan dahil sa habagat.

 

Sinabi ni Elma Aretano, may-ari ng isa sa gumuhong bahay, malambot na ang lupa na kinatatayuan ng kanilang bahay dahil sa gilid lang sila ng creek.

 

Wala naman napa-ulat na nasaktan sa insidente.

 

Sinabi ni Punong Barangay Willy Cara, 355 indibiduwal na ang kanilang inilikas sa kanilang lugar maiwasan na may masaktan kapag lumala pa ang sitwasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.