Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Huwebes (July 29), 30,156 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 957 ang aktibo pang kaso.
115 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 29,117 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Isa naman ang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 82 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES