Sakay ng Cebu Pacific Flight 5J671, lumapag alas-7:30 ang karagdagang bakuna ng Sinovac sa NAIA Terminal 3.
Sinabi ni Health Usec. Carolina Vidal – Taino ang mga bagong dating na bakuna ay ipamamahagi sa mga lugar na kabilag sa NCR Plus 8.
Bukas inaasahan ang pagdating ng karagdagang isang milyong doses ng Sinovac vaccines at sa darating na Lunes, Agosto 2, dadating naman ang mga AstraZeneca vaccines.
Nabanggit ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., nangangailangan pa ang bansa ng higit 42.6 milyong doses para sa pangangailan ng mga Filipino.
Aniya sa kabuuan, 31.3 milyong doses na ang natanggap ng Pilipinas para mabakunahan ang 17.3 milyon bagamat aniya kailangan na maturukan ang 70.8 milyon Filipino para magkaroon ng ‘herd immunity’ sa bansa.