Heavy rainfall warning, nakataas sa bahagi ng Central Luzon

Nakataas ang heavy rainfall warning ang ilang lugar sa Central Luzon.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 2:00, Huwebes ng hapon (July 28), ito ay dulot pa rin ng Southwest Monsoon o Habagat.

Nakataas ang orange warning sa Zambales at Bataan habang yellow warning level naman sa Tarlac at Pampanga.

Sinabi ng weather bureau na posibleng makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.

Samantala, mararanasan naman ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Nueva Ecija, Quezon at Batangas sa susunod na tatlong oras.

Mahina hangggang katamtaman na kung minsan ay mabigat na buhos ng ulan naman ang iiral sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna sa susunod na tatlong oras.

Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

Read more...