Bagong LTO extension office sa Pagsanjan, Laguna binuksan na

By Angellic Jordan July 29, 2021 - 12:54 AM

Pinangunahan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang pagbubukas ng isa pang satellite office ng Land Transportation Office o LTO sa Pagsanjan, Laguna araw ng Martes, July 27, 2021.

“Sa pagbubukas ng karagdagang LTO Satellite Offices, hindi na tao ang lalapit sa LTO. LTO na ang lalapit sa tao,” pahayag ng kalihim.

Dahil sa bagong tanggapan, hindi na kailangang bumiyahe nang dalawang oras ng mga residente mula sa ikaapat na distrito ng Laguna para makapunta sa LTO Calamba.

Mapapadali na aniya ang pagsasagawa ng mga kinakailangang transaksyon sa nasabing ahensya.

“Ang bilin ko lamang sa mga opisyal at empleyado ng LTO, MAGSERBISYO TAYO NG TAMA para sa mga tao, pagkat anumang ganda ng building at pasilidad ang ating gagawin, kung sasabayan ito ng korapsyon, hindi ito magtatagal at magtatagumpay,” saad nito.

Iginiit ni Tugade na walang lugar ang korupsyon sa pagseserbisyo sa publiko.

TAGS: DOTrPH, InquirerNews, lto, LTOLaguna, RadyoInquirerNews, DOTrPH, InquirerNews, lto, LTOLaguna, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.