Higit 30 baril at armas, nasabat sa Northern Samar

By Angellic Jordan July 28, 2021 - 11:55 PM

PCG photo

Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police (PNP) ang mahigit 30 baril at ilang matataas na kalibre ng armas sa Balwharteco Pier sa Looc, Northern Samar Miyerkules ng umaga, July 28, 2021.

Kabilang sa mga nasabat ang 36 units ng M-16 rifle na may hindi matukoy na bilang ng magazine at tatlong units ng 45-caliber pistol.

Ayon sa PCG, base sa intelligence report, isinakay ang isang sasakyan lulan ang apat katao sa isang roro vessel at dumating sa Allen Port bandang 9:40 ng umaga.

Nagmula ang apat sa Taguig City at patungo sana sa Datu Piang, Maguindanao.

Itinago ng mga suspek ang mga armas sa loob ng tire compartment at side doors.

Pagdating sa Maguindanao, ibebenta sana ang mga armas sa hindi tinukoy na buyers.

Bandang 10:15 ng umaga, dumaong ang roro vessel na nagdadala sa sasakyan sa bahagi ng Balwharteco Pier.

Dito na hinarang ng mga awtoridad ang sasakyan para mag-inspeksyon at dito na nadiskubre ang mga armas.

TAGS: CoastGuardPH, DOTrPH, InquirerNews, MaritimeSectorWorks, RadyoInquirerNews, CoastGuardPH, DOTrPH, InquirerNews, MaritimeSectorWorks, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.