Sa kanilang pagkatalo nanatiling walang panalo ang Bossing sa kanilang apat na laro.
Gumawa ng 16 puntos si Fajardo, bukod pa sa sinungkit na 11 rebounds at dalawang tira ang kanyang sinupalpal.
Sa ikalawang laro, sinamantala ng Alaska ang kamalasan ng Rain or Shine para maitakas ang panalo, 74-48, para maputol ang dalawang sunod na pagkatalo.
Pinangunahan ni Rodney Brondial ang Alaska sa kanyang 10 puntos para ilayo na ng husto ang laro at ipalasap sa Elasto Painters ang kanilang unang talo sa apat na laro.
Sa huling laro naman ay nagsanib puwersa sina Allein Maliksi at Chris Newsome para talunin ng Meralco ang Phoenix, 91-80.
Sa pagtatapos ng laro, 24 at 23 puntos ang ginawa ni Maliksi at Newsome.
Pansamantalang natigil din ang laro nang mabasa ang court dahil sa malakas na buhos ng ulan.